Wednesday, March 19, 2014

DIY:Detailed Dumaguete Foodtrip Itinerary and Expenses

March 9, 2014

What to do in Dumaguete:  Foodtrip!

We arrived at Dumaguete Sea Port around 3:30PM. Soon as we arrived we walked all the way to the ever Famous Silliman University which was founded 1901 according to the photo. Please note that this is a very tiring day. Wala kaming ibang ginawa kundi lumakad ng lumakad ng lumakad!

pangit ng mga pics ko!!!
 Ayoko namang isisi sa tirik ng araw ang pangit na photos ko, pero oh well, andyan na yan!


Much better :)

Okay, not sure if all of you would like to do this, but, we walked from Dumaguete Port to Palengke!!!
 
selfie muna
May kalayuan siya dahil naglakad kami along Dumaguete Boulevard, then turn right then derecho pa hanggang makarating kami sa malapit sa may Bell Tower then straight pa hanggang masight na namain ang palengke! Kaloka talaga. Imagine na tanghaling tapat, at mainit, at may backpack ka pa, at pipilitin mo pa yung kasama mo magpicture picture. Pawis ang inabot namin!

Dumaguete Boulevard
Finally!! The palengke!


1. Painit sa Palengke

Note: I wouldn't suggest eating Painit sa tanghaling tapat at kasikatan ng araw. Sipping a hot cup of chocolate in the middle of the day, for me is not advisable. Ang init init na nga, iinom ka pa ng mainit! So redundant na!
 

 I just want to make sure we follow the itinerary na ginawa ko so pinush ko padin ang Painit sa Palengke kahit mainit and it turned out na worth it padin naman dahil yummeeeh siya! Yung food ha! :)

see may dala talaga akong dslr
That's puto. Wag na kayong makipagtalo kung hindi siya mukhang puto. like the regular puto na nabibili sa goldilocks. haha. Malagkit na rice na may chocolate and condensed milk plus hot chocolate with milk is HEAVEN!!!!

So, busog na kami, so naglakad na naman kami papunta sa Dumaguete Church (ST. Catherine of Alexandria). There's an on-going mass that time.


Dumaguete Bell Tower

busog lang ako.

We went to Ceres Terminal muna atleast to know where it is located and to also ask what time is the last trip. So nagtryk kami going here.

2. Panda Ice Cream Haus

Aside from the fact na hindi naman alam kung nasaang lupalop ng Dumaguete ang fried ice cream, pagod na kaming maglakad so we decided to ride a tryk nalang. At katabi lang pala siya ng Silliman University.

 


Read: Panda Ice Cream Haus, Dumaguete and my not so good review.

3. Sans Rival Cakes and Pastries

Sans Rival Cakes and Pastries is near Dumaguete Boulevard. And since masyadong mahaba ang boulevard, malayo padin ang nilakad namin. Papunta na naman ng palengke. lol Busog padin kami from eating at Painit sa palengke and the fried ice cream pero wala na kaming matambayan.

sansrival
silvanas

Read: Sans Rival Cakes and Pastries

4. Rizal Boulevard

It was a long long day. we were tired of walking and eating so we decided na tumambay nalang sa boulevard at tignan ang mga taong dumadaan.


Sobrang tagal namin tumambay. Gang inabutan nalang kami ng dilim.


So kakaselfie ko dito sa tabing dagat, hindi ko napansin na me (taong grasa) not sure how to say it in a nice way na dumaan kumakain ng fish cracker. Tinitignan ni xave at baka itulak daw ako. The suddenly.. it rained fish crackers. Haha. binato nalang ako ng fish cracker!!!

Pag dapit hapon na marami ng food sa boulevard! Nagset up sila ng tables and chairs.


uy may nagdate!

 We ordered penoy, squidballs and tempura. (naniniwala ako na KIKIAM to!)



tempura??
So more wait pa kami at palipas oras. Kasi Ceres Bus bound to Bacolod at 10:30PM pa! Imagine natapos kami kumain sa boulevard around 6:00PM. So tambay na naman kami.

selfie ulit
Sa sobrang dami kong kagat ng lamok, by 7:00PM we decided na mag early dinner. Yung totoo, wala kaming kabusugan. :)

5. Jo's Chicken Inato

Jo's chicken inato is near Silliman University, a few meters away from Rizal Boulevard, near the port.


Busog na busog pa din ako pero i dont want to miss the chance of dining here. Sabi nila, masarap daw e!

menu
that's a live chicken
Good thing, they allowed me na magcharge ng phone at lowbatt na din ang powerbank ko. :)


wash area
And the food!


Food tasted great. Masarap ang pagkakamarinade ng chicken! :) Thumbs up! I love chicken naman kasi!

And susunod na ipapasok ko sa bibig ko ay isusuka ko na. So para naman bumaba ang kinain namin, we decided na maglakad nalang going to terminal na uber layo. We passed  by the Belfry tower again and lit some candles.



Lit some candles and prayed for guidance and good health. :)


Ahaha. Ang sakit pala sa mata ng photo. :P



Ayoko ng maglakad. We flag a tricycle going to Ceres terminal. When suddenly.....


Hinuli kami ng mga nakamotor. Not really kami, but the driver na sinasakyan namin. Really??? Then i found myself somewhere unexpected talaga.

at the police station
Our kuya driver asked if we can accompany him at the police station to testify na wala naman siya mali na ginawa. Actually, hinuli siya ng naka stripes na polo dahil nagsakay daw siya sa gitna ng daan. The thing is tinabi niya yung motor ng sumakay kami. So i accompanied him at the police station while xave was left behind with our bags at the terminal.

They were all speaking visayan language, though i can relate naman din and understand them. Then i asked si kuya na nakastripes kung ano ba siya, hindi siya sumagot. I then asked the police kung ano bang posisyon nitong si kuya na nanghuli. nakakaloka, volunteer lang naman pala at sobrang yabang niya??

And tagal pa namin sa police station and that old lady sa left ng photo, ay nasa table kanina at umiiling iling pa ng kinukuha yung testimony ko na parang hindi siya naniniwala. I then asked her, "ikaw? sino ka naman?' how rude of me pero nakakapikon kasi eh. It was my first time sa dumaguete and ganun yung experience namin? Hello Dumaguete Tourism? Seriously?

Okay, im back na sa Ceres Terminal.


Non air conditioned bus going to Bacolod is not so nice and really uncomfortable but yes, that's the last trip going to Bacolod and there is no way we are missing this trip.


By 10:45PM, our bus left the terminal. OFF to Bacolod, the city of Smiles. :)

Total Expenses from Day 2 foodtripping.

Note: Total does not include Ferry to Dumaguete Php240 plus food at Daustrum at Siquijor.

Total expenses for the day amounts to: Php1616.

PS: All photos were taken from my iphone. No edits. No filters. As is yan for you guys to see the real view or whatever of the place. What you see is what you get ika nga!

This is the second part of our 8days backpacking Visayas trip.

Travel Guide: How to go to Bacolod from Dumaguete.

Read: 8D/7N:Dumaguete-Siquijor-Bacolod-Iloilo-Antique-Pandan-Boracay-Guimaras 
Read: DIY:Detailed Dumaguete-Siquijor Itinerary and Expenses
Read: Lornas End of the World, San Juan, Siquijor










0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
LakadPinas. Powered by Blogger.