Tuesday, March 24, 2015

Coron Tour A - Coron 2015

Tour A - We started a day with a disaster! Mag 9am na wala pa nagpupunta para ihatid kami sa port. Nakakaloka pagdating namin paalis na yung boat! Pwes! Bumalik kayo!

Ayan si kuya guide, mabait naman siya!!


First stop!

CYC Beach or Coron Youth Club!

White sand and clear water! Super linis! Haha wala ko masabi. My spot for snorkeling din pero hindi ko na din sinubukan! 40 minutes kami dito kasi nagluluto na sila.

So more photo ops nalang and more swim swim! :)


Laveeet?!! Background is yung sleeping giant na tinatawag nila. Hindi na kita yung mukha! Hehehe


Now there's a commotion! Sila ate ang tour A nila na bigay ng hotel e yung lumang tour A! E nirevised na yung tours ngayon eh! Patay ka diha!!


Next stop!

Sunset Beach and Quin Reef.

Maganda naman sa sunset beach. Wala namang hindi maganda dito sa Coron eh. Duhh!! This is where we ate our lunch!


Lunch time!!!!

Sa wakas may karne na! Haha!! At may ensaladang talong pa!


Busog na busog ako sa food! Anyhoo, wala din namang hindi masarap na inihaw diba?


Attempted jumpshot! Hindi ko maisabay ang shutter eh. Lol


Ok. Nagsnorkel na ko. Pano eto na pala yung fourth stop! Biruin mo yun 2 in 1 pala ang places. Di man lang ako naaibusuhan! Kaloka.

Fyi. Binalik ko yang starfish ha!


With everyone on Tour A! Ok lang naman mag joining tour eh. You get to meet a lot of people from different parts of the world.


Next stop!

Hidden Lagoon! Ang hidden na nakikita. Ok nothing much to do here but swim. Wala ko masyado nakitang isda. Well in fact, wala kahit isa. Ahehehe.


Some photos. Wala akong nagawa dito.


Last stop. The ever famous!

Kayangan Lake

I dunno why pero last time na nagpunta ako ng kayangan, dito kamo nag lunch eh!

Para marating ang kayangan lake, kailangan umakyat/magaakyat paakyat at pababa. Hindi ito para sa mahihina ang tuhod.


Fast approaching kayangan lake!!


Mabato at madulas ang mga bato paakyat at pababa so konting ingat nalang.


Ayan na! Kayangan lake! Make sure na magdala ng vest and snorkel dito para makita niyo yung mga bato bato sa ilalim and napakalalim pala dito so wag mag bida bida. Pag hindi marunong lumangoy, magvest!!!


Yes! At dahil birthday ko ngayon pagbigyan niyo na ko!! Nagbblog ako ngayon real time na para post agad at hindi ko makalimutan ang mga pinaggagagawa ko!

May cave na maliit so magpicture nalang din!


Going back to town!! ;)

Snorkel masks for rent - 150 each. Make sure na wag iwawaglit sa paningin niyo dahil 1500 ang bayad pag nawala!

This ends our Coron Tour A!

This tour costs 650 only. Anything higher than that, huwag kuhain! Ok!


0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
LakadPinas. Powered by Blogger.