Saturday, April 23, 2016

Legaspi to Donsol, Sorsogon Budget Travel Guide 2016 - Backpacking Bicol- Visayas in 9 days series

March 13, 2016

So, yes we rented a super small boat for P3000 to save a glorious amount of time, from 7 hours land travel, (Caramoan- Naga-Legaspi) to 3 hours (Caramoan - Tabaco Albay).


Imagine how small this boat was. Mapapa OMG ka talaga! Ngayon palang, sasabihin ko nang not for fainthearted ang pagtitipid ng oras na ito. Although kaming 3 eh deadma lang naman, kasi mas grabe parin yung naexperience ko sa Calaguas, 


Si Xavier na magaling lumangoy ay nakalifevest the entire trip at ang nerbyos niya ay umabot sa ulo niya. Napapa "ohhhh" siya pag may mataas na alon. Oh well, mataas naman talaga ang alon, hindi lang yun, sobrang alon!!! 3 hours na ganun ang ride tapos basang basa pa kami! hohoho.


We finally arrived at Tabaco Legaspi safe and sound! Note: Pagbaba ng boat, tatawid pa ng very light and bubbly sa tubig na knee length lang naman. Pero tubig na mabaho, malangis, mabasura at nakakadiri talaga. Hehehe. Hindi naman ako maarte pero totoo yun. Pag akyat sa may hagdan, meron naman hugasan ng paa dun ahehe.


We rented a tryk going to the Jeepney terminal to Legaspi for P100 (4pax). Then sumakay kami ng pa Jeep pa Legaspi for P50 each, mga 2 hours na biyahe ata yun. Our itinerary initially was dadaan pa dapat kami ng Cagsawa Ruins pero sa Legaspi na kami magsttay pero we decided na dumerecho nalang agad ng Donsol para the next day eh Whale Shark encounter na kami!



We arrived at Legaspi Grand Terminal around 3:30 in the afternoon, we headed straight to the Mall para bumili ng GO PRO!!! Ngunit, subalit, datapwat, wala. Nganga talaga!

Umalis yung Van around 5:30pm nakarating kami ng Donsol aroun 8:00pm and we stayed at Dancalan Beach Resort. We paid 100 from Legaspi grand terminal to Dancalan beach Resort. Additional 25 na yun pag derecho na ng Resort. :)

Check my next post here: Whale Shark Encounter, Donsol Sorsogon Budget Travel Guide 2016 - Backpacking Bicol- Visayas in 9 days series




0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
LakadPinas. Powered by Blogger.